Legal
Privacy Policy
1. Sino ang may hawak ng data mo
Ang Bryan Alemaña Online Educational Consultancy Services (Bryan AI Hub), 1830 Sisa St., Barangay 493, Zone 049, Sampaloc, City of Manila, Metro Manila 1015, Philippines. Sinusunod namin ang Data Privacy Act of 2012 (Republic Act No. 10173).
2. Ano ang kinokolekta ng website na ito
Walang form, account o login sa bryanaihub.com mismo. Hindi kami naglalagay ng advertising cookies dito. Gaya ng karamihan ng website, nagre-record ang hosting provider namin ng basic na technical data (halimbawa, IP address at uri ng browser) para gumana at maprotektahan ang site.
Kapag nag-email o nag-message ka sa amin, makikita namin ang pangalan, email o number mo at ang laman ng mensahe mo.
3. Kapag bumili ka ng produkto
Sa site ng bawat produkto nangyayari ang pagbili. Doon, maaaring kolektahin ang pangalan, email at detalye ng bayad mo para maibigay ang access, maipadala ang resibo at masagot ang support. Dumadaan ang bayad sa payment provider (halimbawa, PayMongo); hindi namin iniimbak ang buong card number mo.
4. Bakit namin ito ginagamit
- Para maibigay ang produktong binili mo at ang access dito.
- Para sagutin ang tanong mo at magbigay ng support.
- Para sa resibo, accounting at mga obligasyon sa BIR.
- Para magpadala ng updates, kung pumayag ka. Pwede kang mag-unsubscribe kahit kailan.
5. Kanino namin ito ibinabahagi
Hindi namin ibinebenta ang data mo. Ibinabahagi lang namin ito sa mga serbisyong kailangan para tumakbo ang negosyo (payment, email, hosting at community platform), at kapag hinihingi ng batas.
6. Gaano katagal namin ito itinatago
Hangga't kailangan para sa layuning nabanggit, at hangga't hinihingi ng batas (halimbawa, ang records para sa BIR).
7. Ang mga karapatan mo
Sa ilalim ng Data Privacy Act, may karapatan kang malaman kung anong data mo ang hawak namin, humingi ng kopya, ipatama ito, ipabura o tumutol sa paggamit nito, at magreklamo sa National Privacy Commission. Mag-email sa contact@bryanaihub.com para gamitin ang alinman sa mga karapatang ito.
8. Pagbabago sa policy na ito
Pwede naming baguhin ang page na ito. Ilalagay namin ang petsa ng huling update sa itaas.
9. Contact
Email: contact@bryanaihub.com · Mobile: 0991 568 0840