Legal
Terms of Use
1. Sino kami
Ang bryanaihub.com ay pinapatakbo ng Bryan Alemaña Online Educational Consultancy Services (Bryan AI Hub), isang negosyong rehistrado sa DTI at BIR, na may address sa 1830 Sisa St., Barangay 493, Zone 049, Sampaloc, City of Manila, Metro Manila 1015, Philippines. Sa page na ito, "kami" o "Bryan AI Hub" ang tumutukoy sa negosyong ito.
2. Ang website na ito
Ang bryanaihub.com ang home page ng lahat ng produkto ng Bryan AI Hub. Nagli-link ito sa sariling site ng bawat produkto. Sa paggamit ng website na ito, sumasang-ayon ka sa mga terms na ito.
3. Mga produkto at bayad
May sariling terms ang bawat produkto (halimbawa, ang refund period, ilang device ang pwede, at kung ano ang kasama). Makikita ang mga ito sa site ng produkto bago ka magbayad. Kapag may pagkakaiba ang page na ito at ang terms ng isang produkto, ang terms ng produkto ang masusunod para sa produktong iyon.
Dumadaan ang bayad sa mga payment provider (halimbawa, PayMongo). Hindi namin nakikita o iniimbak ang buong card number mo.
4. Ang content ng kurso at mga tool
- Para sa personal mong pag-aaral at paggamit ang mga course, kit at tool, maliban kung iba ang nakasulat sa terms ng produkto.
- Bawal ibenta, i-share o i-upload ulit ang course materials, lessons o access sa ibang tao.
- Sa'yo ang content na gagawin mo gamit ang aming mga tool. Ikaw ang responsable na may karapatan ka sa mga file, boses, musika at larawan na gagamitin mo.
5. Walang pangakong kita
Skills ang tinuturo namin. Hindi kami nangangako ng kita, views o followers. Nakadepende ang resulta sa sarili mong trabaho at sitwasyon.
6. Partners (affiliates)
Invite-only ang Bryan AI Hub Partners program sa ngayon. May hiwalay na kasunduan ang bawat partner.
7. Mga link papunta sa ibang site
May mga link dito papunta sa mga site na hindi namin hawak (halimbawa, social media at Skool). Hindi kami responsable sa content o patakaran ng mga site na iyon.
8. Limitasyon ng pananagutan
Ibinibigay ang website na ito "as is". Hangga't pinapayagan ng batas, hindi mananagot ang Bryan AI Hub sa hindi direktang pinsala na dulot ng paggamit ng website na ito.
9. Pagbabago sa terms
Pwede naming baguhin ang page na ito. Ilalagay namin ang petsa ng huling update sa itaas.
10. Batas
Batas ng Republika ng Pilipinas ang susundin sa mga terms na ito.
11. Contact
May tanong? Mag-email sa contact@bryanaihub.com o tumawag/mag-text sa 0991 568 0840.